Saturday, July 29, 2017

A thing that can't cast a shadow

Fire has no shadow as picture shown. But of course it wasn't always like that, fire could cast a shadow, if the light source behind the fire was brighter than the fire.
Fire emits light and thus brightens wherever the shadow would be reflected.
Don't be a shadow, or a thing that plainly cast a shadow you live as a man, but don't just be a man, be a fire, not easy to touch, hard to catch and different to everyone that watch.
by:Modern Maria

(c) deep web enigma

Sunday, July 23, 2017

Kalamansi and the Babasaging Baso Chronicles

Mahalaga sakin ang kalamansi. Masustansya at nakapang aalis umay. Di rin ako naalis ng bahay na walang kalamansing dala, kahit isa man lang. Maging sa basong aking pag iinuman ako'y pihikan, gusto ko babasagin lamang, ayoko ng plastic. Bakit? Ganto kasi yun kaibigan.
Probinsya, expected mo fiesta diba? Laging ganon lalo pagpatak ng buwan ng April hanggang May, mananawa ka sa karne. Si Butch, inaya kami nila Kulas na pumuntang fiesta sa Brgy *toot*. Ayokong banggitin pangalan, mahirap na. Basta malayo sya sa town proper, malayong malayo. Dahil sa wala naman akong ginagawa, sumama ako. Tawanan kami sa daan, kasi nga anlayo. Kahit kumain kami ng pagkarami rami, matatagtag rin pag uwi namin, lubak kasi yung daan saka malayo nga.
Pagdating namin, pinakain na kami nung tropa namin. Naka ugalian ko na, pag kumakain ako sa ibang bahay, uunahin kong uminom ng tubig. Pipili ako ng babasagin na baso o kaya cup. Ipapailalim ko yung isang kamay ko don, saka ipipihit ko pakaliwa pakanan yung baso. Pag nabasag kasi, ibig sabihin may lason. Hindi ko na kasi matandaan kung sa kanan ba o kaliwa, kaya both ways ko ginagawa. Turo sakin ni Roger, ganon kasi sya. Nakaugalian na rin nya, turo naman sa kanya ng lolo nya sa probinsya nila, ang probinsya nya somewhere in Mindanao. Hindi naman nabasag. Isa pa tropa namin yung nag imbita, pero kasi nakasanayan ko na nga, mismong sa bahay namin ganon ako.
Pagkatapos kumain, pumunta kaming basketball court sa barangay nila, may sayawan, party party. Tawa kami ng tawa nila Kulas kay Butch kasi may isinasayaw syang babae, masyadong maarte, parang diring diri sa tropa namin. Nung natapos, naglakad kami pauwi sa kanila. Maliit lang yung baryo, magkakakilala mga tao. Fiesta pa man din, kaya halos lahat ng dayo gusto nila kumain sa bawat bahay. Nakangiti kaming tumatanggi pero may isang matandang babae yung mapilit, kahit yung tropa naming taga ron hindi makatanggi. Kaya sabi ni Butch pagbigyan kasi nakakahiya naman.
Yung bahay non nasa gitna ng bukid. Halatang bago pa yung bahay at di pa tapos kasi wala pang palitada. May mga tanim na kalamansi don sa may papasok, may dalawang bahay pang mararaanan bago yung bahay non. Natuwa ako don sa mga kalamansi kasi ang lalaki. Namitas ako ng apat, tig iisa kami. Nauuna yung matanda, ang bilis nya nga maglakad. Binigay ko isa isa sa kanila yung kalamansi.
"Bakit to?" Si Butch.
"Baka karne ng tao yung ipakain satin. Just in case lang" Biro ko. Di ko alam na magkakatotoo pala, nagdilang anghel ako, wew.
Turo din yon sakin nung naging kaibigan ko sa manila. Pero mas nakasanayan ko yung sa may baso. Kwentuhan kami habang nasa daan. Yung tropa namin, si Jebon, sabi nya yung matanda nagtitinda raw yun ng bagoong sa may bayan. Matagal na raw, kasing edad ng lola nya. Yung lola nya buhay pa naman, pero bed ridden na. Kaya naamaze kami kay lola kasi ang liksi pang kumilos.
Pagkarating don sa kanila, pagkaupo namin sa mesa, tumawag yung mama ni Jebon, tinatanong kung nasaan kami. Hinahainan kami nung anak nung matanda ng pansit. Sinabi ni Jebon na sumaglit lang kami don sa bahay ng matanda. Hinintay kong maghain sila ng tubig, habang ginagawa ko yung routine ko, pansin ko nakatingin sakin yung anak. Nung naubos yung pansit, manok tyaka kikiam sahog. Sunod naman kanin tyaka sisig. Tumatanggi na kami non, kahit ang sarap tignan nung sisig. Kaya ang ginawa nung matanda, ibinalot na lang nya yung sisig.
Pagbalik namin kila Jebon, yung ate nya inaya na kaming uminom. Pero si Kulas hindi namin pinainom, sya kasi driver kaya good boy talaga yon. Si Butch inilagay nya yung sisig sa may plato. Ako naman, naghanap akong sili saka tiniris ko saka yung kalamansi ko, hinati ko saka ko binudbod don. Habang hinahalo ko, parang may nagbago don sa sisig. Naging parang may buhok buhok. Pinagalitan ko pa si Butch non kasi baka buhok nya kasi maiikli, di naman pwedeng akin kasi mahaba buhok ko.
Nung si Kulas na yung naghalo, paisa isa tinatanggal nya yung mga buhok, bigla syang naduwal. Tinanong namin kung bakit. Basta suka lang sya ng suka. Nung tinignan namin yung sisig, kulang na lang dukutin namin mga bituka namin mga bes. Nagkaroon ng kuko ng tao don sa sisig. Kinuha ko pa kay Butch yung kalamansing bigay ko, saka ko binudbod. Mas lalong dumami buhok, dun na sa karne mismo.
Pinagalitan kami nung mama ni Jebon, dapat raw hindi na kami sumama. Kasi kaya pala tinawagan nya si Jebon para maiiwas kami. Kahit alam na nya kung nasaan kami nila Jebon, tinawagan nya pa rin para malaman nung matanda na alam nya kung nasaan kami. May nakakita kasi samin na inaya nung matanda. May usap usapan na pala sa kanila na aswang yung pamilyang yon. Si Jebon lang hindi naniniwala. Takot na takot kaming umuwi non kaya don na kami natulog. Sinunog namin yung sisig. Ang nakakadiri pa, yung asawa pala nung anak ni Lola kamamatay lang, close casket beks, imaginin nyo na.
Hanggang nung 2014 nakikita ko yung matanda sa palengke.
Madalas pag nakikita nya ako, binibigyan nya ako ng libreng bagoong, home made daw nya beks. Yung mga kapwa nya tindera, pasikreto akong iniilingan. One time pa nga, may sumunod pa talaga sakin para sabihan ako. Akala nila hindi ako aware. Pero hindi nila alam, sa twing bibigyan ako non ni Lola, babasagin ko yung lalagyan.
Second time naman nangyari sa Manila, tumigil muna ko sa college, nagdecide akong magwork muna. Nagwowork ako sa call center non, booming pa lang non ang cc satin. Nung yung isang kateam ko, nag aya sa kanila. Don na lang daw kami maglunch sa kanila. Sige naman kami. Sa may Caloocan sila, dapat ang mangyayari, don na rin kami matutulog bago yung pasok namin kasi masyado ng hustle pag uuwi pa kami ng kanya kanyang bahay. Yung iba kasi QC pa, ako naman Paco pa. Pero nangyari nga ito.
Di pa tapos magluto non nung dumating kami. Inom muna ng rc tyaka kain ng biscuit. So dahil nga sa nangyari, lagi na ko may dalang kalamansi. Ginagawa ko pa rin naman yung sa may baso
(May isa akong ka team na nahahalata na yung 'mannerism' ko sa may baso. Kaya kwinento ko sa kanya lahat lahat, kumakain kami non sa chowking nung nagtanong sya). Naghain yung tatay nung nag imbita, si Mae, ng kinilaw na karne. Nakakita na ko ng ganon pero nagtataka ako non kung bakit mamula mula yung karne.
"Galing kasing probinsya namin yung karne, native na baboy kaya ganyan" sabi nung tatay. Gusto ko sanang sabihin, opo alam ko po yung itsura ng native na baboy, maitim, maliit, pero hindi si Binay. Pag nakakakita ako non sa gabi, binabato ko kahit nasa kulungan, mukha kasing aswang.
Ako kasi hindi ako fan ng kinilaw na karne, kung kinilaw na isda yon, uubusin ko pa. Pero wala ayoko talaga ng niluto lang sa sukang karne. Yung dalawa naming kasamang lalaki, kumain sila, may mga bisita rin na iba bukod samin. Nakapwesto kami sa may gilid ng bahay, pahaba yung mesa. Anim kami, pang pito yung si Mae. Hindi nya kami maasikaso kasi marami silang bisita, puno ng tao yung buong bahay nila tyaka bakuran. Yung part na yun ng caloocan, mapuno eh, basta parang nasa probinsya ka rin lang.
Nung naghain na ng kanin tyaka ulam, una kong tinirada yung inihaw na isda. Nanghingi yung isa naming kasama kay Mae ng kalamansi para sana ilagay sa may toyo na sawsawan. Pero wala daw. Kaya ako sabi ko meron ako. Bigla na lang umalis si Mae. Sabi nung isa pa naming kasama, naoffend ko ata, girl scout daw kasi ako masyado. Wala talaga sa isip ko na may mangyayaring di kanais nais, syempre mababait naman sila, lalo si Mae, ako yung parang bunso sa grupo, sya naman yung umaalalay sakin nung bago pa lang ako.
Pero kasi out of habit na yung ginagawa ko, nakasanayan ko na nga. Kahit nga mama ko pinapagalitan na ako kakaganon ko, sino daw bang maglalason sakin sa sarili naming pamamahay. Ultimong kahit sa jollibee kung saan bida ang saya, to think na hindi naman babasagin yung baso don.
Yun na nga, nung nagdecide ako na karne naman ang kainin, tinusok ko ng tinidor yung kalamansi saka yung sinandok kong ulam binudbod ko doon. Tanghaling tapat, nagsitindigan mga balahibo ko sa katawan. Adobo yung sinandok ko, mukhang masarap nung una, pero nanlilimahid na bigla. Busy yung iba sa pagkain, kaya yung katabi ko lang ang nakapansin. Dapat magwawala na sya pero pinigilan ko. Pinaghanap ko sya ng pwedeng paglagyan nung sinandok ko, ang nahanap nya yung baunan nya ng tubig, dun namin nilagay. Saka ko pinatago sa kanya. Gusto ko ng magsuka suka non kasi sarap na sarap yung mga kasama namin. Kakapigil ko nagawa ko naman kahit papano. Pero yung katabi ko, hindi na nya kinaya, nagsuka sya ng nagsuka. Ako humahagod ng likod nya.
"Wag kang mag ooa be, kung gusto mo pang maranasan na magkarayuma" sabi ko. Kasi diba malay ko ba kung anong pwede nilang gawin samin, pag nalaman nilang alam namin. Kaka 19 ko lang non, di ko pa nakaka daupang palad si Luke Evans, ayoko pa matigok. Dahil don sa pagsusuka nya, nakapagdahilan kaming dalawa na kunwari magpapa ospital sya. Pinapaiwan pa ng mama ni Mae yung iba samin kasi marami pa daw pagkain, pero buti na lang nagdalang hiya sila, sumama na sila samin.
Nung nakarating na kami samin, don kami tumuloy, pinakita nya yung nasa lalagyan nya ng tubig, habang tumitili. Nagsukasuka sila, grabe. Gusto nila iiwasan na namin si Mae, pero naisip ni Nat na wag kasi baka makahalata. Hayaan na lang daw. Pero yung iba kung pwede lang lumaklak sila ng zonrox o liquid sosa, ginawa na nila, matunaw lang yung karne sa tyan nila. Pinagpapasalamat nila, na hindi sila nakakain nung dinuguan. Ang sabi kasi nung nagtanong kami, may certain food na ipapakain sila sayo para maging katulad ka na nila. Kadalasan laman loob ng tao na dinasalan nila.
Sa pinsan ko naman to. Si Kuya Randy, isa sya don sa mga nag eespalto ng kalsada. Nagpupunta sila sa iba't ibang lugar sa bansa. Okay, hindi ako magbabanggit ng specific na lugar. Yung dalawang experience ko, naikwento ko sa kanila, yung iba tinawanan lang ako, pero sya tyaka yung dalawa ko pang pinsan eh ginagawa na rin yun twing mapapasabak sila ng kainan sa ibang lugar.
So ganon nga, last night na nila don sa may lugar na yon. Yung boss nila, binilinan sila pagkarating pa lang nila don na laging magdala ng sarili nilang tubig, wag silang bibili ng kahit na ano sa may baryong yon. Hindi ipinaliwanag nung boss nila kung bakit ganon. Ayun nga last night na nila don, may magandang babae daw galing don sa baryo na pumunta don sa tinutuluyan nilang bahay, na asa katabing baryo pa. Parang nahalina raw silang lahat, inimbitahan daw sila nung babae na pumunta sa bahay kasi nag-aaya ng inuman. Buti na lang sabi nung pinsan ko, nung dumating yung babae kakain pa lang sila, hawak nya pa yung kalamansi, nung magpunta sila don sa baryo na ginagawan nila ng kalsada.
Pagkarating don, pinaupo agad sila sa may inuman. Parang nagtaka sila lahat kasi don na sila natauhan. Buti yung isa, nakapagtext pa sa boss nila na nasa katabing bahay lang nung tinutuluyan nila. Yung boss nila nagreply, sinabihan daw silang mga kupal daw sila bat sila sumama. Yung pinsan ko, binudburan nya yung pulutan. Medyo madilim kaya hindi nya gaano unang maaninag kung may nagbago. Pero nung iniangat nya yung mangkok, kita nya may eyeball daw, may kuko, may karne rin na may buhok buhok pa. Sabi nung babae, kambing raw yon. Ilokano yung pinsan ko, hindi sya maloloko, alam nya yung amoy at texture ng karne ng kambing sa tingin pa lang. Hindi mo sya maloloko, nakipag away pa nga yon dati sa may kainan sa may Quiapo, sabi nung tindera, kambing daw yung ginamit sa pinapaitan, kaya mahal yung presyo. Pero nakipag away sya kasi, karne naman ng baka. Marahan nya lang na ibinaba yung mangkok. Butil butil pawis nya raw non. Halos hindi sya makagalaw, actually lahat sila. Kasi narealize na nila kung bakit pinagbabawalan sila ng boss nila nung umpisa pa lang na wag bumili ng kahit na ano sa baryong yon, pati kung bakit beast mode na beast mode yung boss nila nung sinabi nila na nandon sila. Aswang ata yung mga taga roon. Pinipilit silang pakainin nung pulutan. Pero todo tanggi sila. Yung pinsan ko, naging vegetarian daw non ng wala sa oras, makapag palusot lang.
Buti na lang dumating yung boss nila, ayaw pa sana silang paalisin. Pero sabi nung boss nila, pinapatawag sila sa bahay nung mayor nung lugar. Hindi na raw nakapalag yung mga tao don sa baryo. Pumunta talaga sila don sa bahay ng mayor. Don tinawanan sila ng tinawanan nung mayor. Doon na rin sila pinatulog.
Nung kwinento nya samin, laptrip kami sa kanya. Malaking tao kasi yung pinsan ko, maton kung maton. Sya yung tipong pag nakasalubong mo sa may kanto, iiwasan mo. Pero nung pagkauwi nya samin, iyak sya ng iyak sa nanay nya. Todo pasalamat rin sya sakin. Pero dahil don, never na kami bumili ng lutong ulam, ang mama ko na hindi naniniwala sa mga aswang eklavu na yan twing madaling araw na nabili ng karne. Yung makikita pa nya mismong pinapatas yung baboy.
Ito, nangyari lang saming magpipinsan, last year. Kasal ni Kuya Wang, pinsan namin. Syempre lalaki sya, yung handaan sa may babae. Ganon kasi samin. Two days bago yung kasal, nauna na kaming magpipinsan don sa probinsya ng babae, kasama si Kuya Wang. Kasama din namin yung kaibigan ni Kuya na hiniraman nya ng truck para don isakay yung mga gamit na kailangan. Sa norte pa rin naman yung probinsya, mula probinsya namin, dalawang oras ang byahe. Dagdag isang oras papunta sa mismong barangay nung babae. Nagbibiruan pa kami, kasi si Kuya Randy, parang isang sakong kalamansi ata yung dala nya. Sa bag rin nya, puro kalamansi. Kalamansi Man nga tawag na namin sa kanya, sa likod kasi ng bahay nila puro kalamansi na tanim. Akala namin magagamit namin yung kalamansi non, hindi pala, display lang.
Mababait yung side nung babae. Bondat na bondat kami, fresh na fresh yung mga seafoods na hinain nila. Nag eemote kaming lahat non sa may dagat nung pa gabi na. Sa may dalampasigan kasi malapit yung bahay nila. Hindi naman kami binawalan na kung ano pa man. Christian kasi sila, kaya wala gaanong pamahiin. Basta wag na lang raw kami magswimming pag naglakihan na yung alon kasi delikado na.
Ma niyog don, dahil namiss naming maglaro, sabi ni Kuya Wang, maglaro kaming taguan. Pero kasi yung iba samin takot, by pair ang ganap. Yun laro kami, dayaan pa kasi sila Kuya Wang tyaka Kuya Randy, maduduga talaga eversince. Nung napagod sa kakatakbo, nagkwentuhan na lang kami, yung fiance ni Kuya Wang, nagkwento na may isa syang tita na nasa dulong part ng lugar nila nakatira. Gusto nya sana na umattend yun sa kasal nila, kaso hindi ininvite ng parents nya. May away kasi, bata pa lang daw sya hindi na nag uusap yun tyaka parents nya. Kaya sabi ni Kuya Wang, kung gusto raw ba nya, puntahan namin. Sige naman si Ate, kaya umuwi lang saglit sya, kumuha ng invitation, saka kami lumarga pero hindi nya sinabi sa parents nya na kung san kami pupunta.
Maganda yung bahay, modern yung style. Halatang may datung yung may-ari. Perfect dreamhouse na overlooking the sea. Yung sumalubong samin, katiwala. Sa may garden andon yung tita ni ate. May edad na, pero yung halata mong walang gaanong stress sa buhay. Pinapasok kami sa loob pero nagpaiwan muna ako sa labas, magyoyosi eh. Nagpaiwan din kasama ko si Kuya Randy saka yung isa ko pang pinsan. Siguro mga thirty minutes, naaliw kami don sa koi pond sa may garden nung yung katiwala naghatid ng meryenda sa garden. Nakaugalian na nga, tapos ginaya pa ko nung dalawa pagpihit ko ng mabilisan sa may baso, biglang nabasag. Sa loob ng ilang taon na paggawa ko nun, yun yung unang beses na may mabasag na baso. Take note hindi lang ako yumg may nabasag na baso. Pati yung kila Kuya Randy. Tinginan lang kami sabay takbo sa loob. Hinila namin mga pinsan namin. Sakay agad sa truck. Minumura na kami ni Kuya Wang kasi ano daw trip namin, hindi namin sya pinapansin ni Kuya Randy na nagdadrive.
Di pa kami nakakalayo, nagsimula na silang mangisay saka magsuka. Imbes na sa bahay nila ate, diretso kaming bayan, sa may ospital. Nakakainis kasi pumunta si Ate don para maayos na yung sigalot ng pamilya nila pero ganon pa yung ginawa. Kaya pala nagkaroon ng away, diba nasabi kong christian yung family ni ate, nalaman nilang yung kapatid ng nanay ni ate, yung tita nya, nung nagtrabaho sa may thailand, natuto ng dark arts, pangungulam. Yung style ng pangungulam nila don, iba dito satin. Una pinag prapractice-an mga hayop, pero naging tao na. Don na sya sinaway ng pamilya nya. Don na rin sya lumayo. Alam nyo yung chemical na gamit ng mga magsasaka para mapatay yung mga damo? Ganon yung nakita sa tyan nila Kuya Wang. Sabi nung mga doktor don sa ospital, hindi daw ba nila naamoy yung iniinom nila, purong yung kemikal na yun yung nakita sa isinuka nila. Pero kahit ako, hindi ko naamoy na hindi juice pala yun. Dahil don, imbes na kila ate ganapin yung kasal, sa amin na tuloy. Naurong din yung date kasi halos isang linggo silang naconfine.
Kaya mag-ingat tayo. Hindi porket aswang, visayas na agad. Noon pwede pa. Pero sa panahon natin ngayon? Kahit saan pwede na sila. Kumbaga sa mga pokemon nag evolve na rin sila. Tayo ngang tao nakaka adapt tayo agad, sila din syempre. Hindi rin porke kamag anak mo, kaibigan mo o kaya nakakaawa itsura, hindi ka na tratraydurin. Ingat tayo mga bagis.
Hunter
(c) spookify





Saturday, July 15, 2017

Agartha

Ang theory ng Hollow Earth ay nagpapatunay ng Existence ng isang sibilisasyon sa Gitna ng Mundo natin. Sinasaad dito na mayroong mga naninirahan sa mga siyudad na gawa sa Crystal at may populasyon na umaabot mula 10,000 hanggang 1,000,000. Ang pinaka Sentro ng Agharta ay ang "Shamballah". Ang kanilang mga tirahan ay parang mga mini settlements na pag nagsamasama ay bubuo ng " podlets". Kapag ang mga podlets na may isang layunin ay nagsamasama ay tatawaging "Clan" na siyang pangunahing yunit ng lipunan ng mga Agarthans. Mayroong ecosystem na nabubuhay dito at ang mga nilalang nito ay hindi matatagpuan sa daigdig natin. Mayroong lugar sa ilang siyudad rito na nakalaan sa pag-aalaga at pagpapagaling ng mga nilalang sa ecology nito.
Ang inner earth ay hindi nilikha na hollow kungdi natural na itong hollow na angkop sa mga naninirahan rito. Ang ilang mga naririto ay mga nilalalang na hindi maaring mabuhay sa liwanag ng ating araw tulad ng gnomes, dwarves or mga dwende, cyclopses, reptilians, tall greys at aliens. Hanggang ngayon ay binubuo nila o ginagawa ang hollow earth tulad ng mga langgam na pinapalaki ang kanilang colony. May mga nagnanais din masakop ang Agartha tulad ng Pleiadians, Rigel Greys, Zeta Greys at marami pang iba.
Bukod sa North at South pole bilang Entrance sa Agartha, Meroon din sa Japan. Alam ng mga Koreano, Chinese at Japanese ang tungkol sa bagay na ito ngunit pinagbabawalan silang magsalita ukol dito. Hollowed Kemetian land, Inner world's temple of the Gods. Ang Africa and Sumeria (Iraq) ay isa samga entance ng Hollow Earth. May kaalaman din ang sinaunang Ehipto sa Inner earth. Ginagamit ng pasukan ng mga diyos ang Africa at Iraq. Itininanggi ni Robert Parker ang tungkol sa Hollowed Earth kung kayat hindi pa ito malinaw sa mga tao hanggang ngayon. Walang anumang litrato ang makakapagpatunay na may mga nilalang sa ilalim ng mundo. Ang Agartha ay tila isang Buhay na hardin tulad ng isang kontinente.
Paano nga ba nasabi ng ilan na totoo ang Agartha? Sinasabi nila na ang polar regions (Antarctica at Arctica) ay ang pangunahing lagusan patungo sa Agartha. Pinagbabawalan ng US Government na lumipad ang anomang aircraft sa ibabaw ng mga "Polar Openings" kungdi ay umikot na lamang sa paligid ng Poles. Mapapansin rin na mas mainit sa mismong poles kesa sa lugar na mas malayo na nasa 2000mi.
Bigyan nating pansin ang pag-init ng mismong polar region. Bakit nga ba mas mainit rito? Sabi sa alamat ay mayroong inner sun sa Agartha. You heard it right! Inner sun! May Araw daw sa loob ng Mundo! Kung titignan natin Logically mukhang imposible naman talaga. But let's consider first the physical laws and phenomenas that could prove this.
Una, ang mundo ay oblate spheroid at hindi bilog. Bulgy siya sidewards, kung titignan natin from the inside sun ay mas malapit ang upper at lower part ng mundo kaysa sa gilid. That could be the reason kung bakit mas exposed sa sinag o init ng inner sun ang north at south pole kesa sa lugar na nag umpisa sa 70°-75 ° latitude kung saan kumurba ang daigdig .
Pangalawa, ang gravity sa Core ng mundo ang responsible sa paghatak sa atin paibaba. Notice din ang pull of Gravity ng Sun natin (Centripetal force), hindi bat may pagkakatulad ito. Pareho nilang hinahatak patungo sa kanila. Hindi kaya tama ang alamat ng Agartha? Ang Inner sun nito ang nagsisilbing core ng outer world? Na gumagamit rin ito ng Centripetal force.
Pangatlo, ang mga solar winds. Ang Aurora Australis at Aurora Borealis ay matatagpuan lamang sa North at South Pole. Bakit nga ba walang solar winds sa ibang dako ng daigdig. Maaring ang mga solar winds na ito ay ang sinag ng inner sun na nakikita sa outer world natin dahil sa opening na meron ang north at south pole. Wala ring masyadong ulap na makikita sa may bahagi ng polar caps kung kayat kita sa himpapawid ang malaking butas sa Poles.
May isang mytyh na nagsasabi na lilitaw lamang ang Agartha sa ibabaw ng lupa kung ang mga tao sa mundo ay maging subject sa Diyos o maging lubos na mabubuti.
Hindi natin masabi kung ito ay may katotohanan ngunit kung lalawakan natin ang ating pag-iisaip ay malaki ang posibilidad na totoo ang alamat ng Agartha. Nasasainiyo na lang kung nais niyong maniwala o hindi.
- Master Shadow






(c) deep web enigma

Saturday, July 8, 2017

Darkness

"Darkness seems like emptiness"

There are times that we see nothing because of the absence of light. It takes us courage to face it and to surpass the darkest stages happening in our lives. Every time darkness occurs we always tries to find light.  A light that helps us to see things and guide us in our way to a bountiful journey.

I asked a friend of mine “are you scared of the dark?” she said “yes” I asked her “why?” then she replied “because it is dark”. This answer somehow indicates that we are afraid of darkness because it is obscure but the adequate reason why we are afraid is because we don’t know what’s in there.

Thursday, July 6, 2017

Missing Piece

Have you ever thought of...

 A wholeness can't be  found  because of a missing piece.In our life, most of the time we merely think  on how  we will live a life  to the fullest. No matter how we try, we will never be satisfied by our desire because of a factor that may transpire. That factor serves as a  missing piece and it depends on us if we will find it or we let it find us  to  be complete.



Pou Enigma

The title is Pou Enigma because this was to be supposed to be our group name but at the moment it is tip top squad. I think this will...