Ang theory
ng Hollow Earth ay nagpapatunay ng Existence ng isang sibilisasyon sa Gitna ng
Mundo natin. Sinasaad dito na mayroong mga naninirahan sa mga siyudad na gawa
sa Crystal at may populasyon na umaabot mula 10,000 hanggang 1,000,000. Ang
pinaka Sentro ng Agharta ay ang "Shamballah". Ang kanilang mga
tirahan ay parang mga mini settlements na pag nagsamasama ay bubuo ng "
podlets". Kapag ang mga podlets na may isang layunin ay nagsamasama ay
tatawaging "Clan" na siyang pangunahing yunit ng lipunan ng mga
Agarthans. Mayroong ecosystem na nabubuhay dito at ang mga nilalang nito ay
hindi matatagpuan sa daigdig natin. Mayroong lugar sa ilang siyudad rito na
nakalaan sa pag-aalaga at pagpapagaling ng mga nilalang sa ecology nito.
Ang inner
earth ay hindi nilikha na hollow kungdi natural na itong hollow na angkop sa
mga naninirahan rito. Ang ilang mga naririto ay mga nilalalang na hindi maaring
mabuhay sa liwanag ng ating araw tulad ng gnomes, dwarves or mga dwende,
cyclopses, reptilians, tall greys at aliens. Hanggang ngayon ay binubuo nila o
ginagawa ang hollow earth tulad ng mga langgam na pinapalaki ang kanilang
colony. May mga nagnanais din masakop ang Agartha tulad ng Pleiadians, Rigel
Greys, Zeta Greys at marami pang iba.
Bukod sa
North at South pole bilang Entrance sa Agartha, Meroon din sa Japan. Alam ng
mga Koreano, Chinese at Japanese ang tungkol sa bagay na ito ngunit
pinagbabawalan silang magsalita ukol dito. Hollowed Kemetian land, Inner
world's temple of the Gods. Ang Africa and Sumeria (Iraq) ay isa samga entance
ng Hollow Earth. May kaalaman din ang sinaunang Ehipto sa Inner earth.
Ginagamit ng pasukan ng mga diyos ang Africa at Iraq. Itininanggi ni Robert
Parker ang tungkol sa Hollowed Earth kung kayat hindi pa ito malinaw sa mga tao
hanggang ngayon. Walang anumang litrato ang makakapagpatunay na may mga
nilalang sa ilalim ng mundo. Ang Agartha ay tila isang Buhay na hardin tulad ng
isang kontinente.
Paano nga ba
nasabi ng ilan na totoo ang Agartha? Sinasabi nila na ang polar regions
(Antarctica at Arctica) ay ang pangunahing lagusan patungo sa Agartha.
Pinagbabawalan ng US Government na lumipad ang anomang aircraft sa ibabaw ng
mga "Polar Openings" kungdi ay umikot na lamang sa paligid ng Poles.
Mapapansin rin na mas mainit sa mismong poles kesa sa lugar na mas malayo na
nasa 2000mi.
Bigyan
nating pansin ang pag-init ng mismong polar region. Bakit nga ba mas mainit
rito? Sabi sa alamat ay mayroong inner sun sa Agartha. You heard it right!
Inner sun! May Araw daw sa loob ng Mundo! Kung titignan natin Logically mukhang
imposible naman talaga. But let's consider first the physical laws and
phenomenas that could prove this.
Una, ang
mundo ay oblate spheroid at hindi bilog. Bulgy siya sidewards, kung titignan
natin from the inside sun ay mas malapit ang upper at lower part ng mundo kaysa
sa gilid. That could be the reason kung bakit mas exposed sa sinag o init ng
inner sun ang north at south pole kesa sa lugar na nag umpisa sa 70°-75 °
latitude kung saan kumurba ang daigdig .
Pangalawa,
ang gravity sa Core ng mundo ang responsible sa paghatak sa atin paibaba.
Notice din ang pull of Gravity ng Sun natin (Centripetal force), hindi bat may
pagkakatulad ito. Pareho nilang hinahatak patungo sa kanila. Hindi kaya tama
ang alamat ng Agartha? Ang Inner sun nito ang nagsisilbing core ng outer world?
Na gumagamit rin ito ng Centripetal force.
Pangatlo,
ang mga solar winds. Ang Aurora Australis at Aurora Borealis ay matatagpuan
lamang sa North at South Pole. Bakit nga ba walang solar winds sa ibang dako ng
daigdig. Maaring ang mga solar winds na ito ay ang sinag ng inner sun na
nakikita sa outer world natin dahil sa opening na meron ang north at south
pole. Wala ring masyadong ulap na makikita sa may bahagi ng polar caps kung
kayat kita sa himpapawid ang malaking butas sa Poles.
May isang
mytyh na nagsasabi na lilitaw lamang ang Agartha sa ibabaw ng lupa kung ang mga
tao sa mundo ay maging subject sa Diyos o maging lubos na mabubuti.
Hindi natin
masabi kung ito ay may katotohanan ngunit kung lalawakan natin ang ating
pag-iisaip ay malaki ang posibilidad na totoo ang alamat ng Agartha.
Nasasainiyo na lang kung nais niyong maniwala o hindi.
- Master
Shadow
No comments:
Post a Comment